Mag-ama dinakip sa illegal fishing

SORSOGON CITY – Arestado ang mag-amang mangingisda sa pinatinding pagpapatupad ng anti-illegal fishing operation ng pulisya sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Danilo Anchos Panoga, 43-anyos, may asawa at ang 18-anyos na si Paulo Buenaobra Panoga, binata parehong residente ng Sitio Gumang, Brgy Cota na Daco ng nasabing bayan.

Ang mga suspek ay naaktuhan ng mga pulis na nangingisda sa karagatan na sakop ng Brgy Cota na Daco gamit ang ipinagbabawal na fine mesh net o ‘sarap.’

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang kilong maliliit na mga isda at ang net na humigit-kumulang nasa 15 metros ang haba.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa section 89 ng RA 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *