Mag-ama na sina Dennis at Julia, meron bang bagong alitan?

Lalong lumakas ang haka-haka ng mga netizens na posibleng may panibagong alitan ang mag-ama na sina Julia Barretto at Dennis Padilla.

Ito ay matapos mapansin ng mga mapanuring netizens na hindi kasama si Dennis sa mga larawan na ipinost ng aktres sa kaniyang Instagram stories sa mismong araw ng Father’s Day.

Wala naman captions ang mga larawan na pinost ni Julia sa kaniyang Instagram story na ngayon ay burado na.

Pero nakuhanan naman ito ng screeshot ng ilang netizen kung saan na kabilang sa mga na-post niya ay ang larawan ng pumanaw niyang lolo na si Miguel Barretto, ang throwback photo nila ni Ian Veneracion na gumanap bilang kaniyang ama sa ilang teleserye at pelikula at ang kaniyang ina na si Marjorie.

Nakwestyon ng netizens kung bakit wala si Dennis sa mga post nito noong Father’s Day.

Noong June 6 ay kapansin-pansin na nawala mula sa Youtube channel ni Julia ang video nilang mag-ama.

Base sa isang source ay naka-hide lamang ang video mula sa publiko dahil sa mga batikos na natatanggap nito online.

Hinala ng ilan, may kinalaman ang sinasabing bagong alitan ng mag-ama sa interview ng kolumnista at talent manager na si Ogie Diaz kay Padilla kung saan ay napag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo noong 2019.

Matatandaan na si Julia ang itinuturong dahilan sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Mababatid na bukod kay Julia ay meron pang dalawang anak si Dennis kay Marjorie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *