MSMEs sa ilang barangay ng San Lorenzo at San Vicente nakinabang sa LSP- NSB program ng DTI

CAMARINES NORTE- Isinagawa  nitong Martes ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office ang Livelihood Seeding Program- Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP- NSB) sa ilang mga barangay ng San Lorenzo Ruiz at San Vicente.

Sa bayan ng San Vicente beneficiaries ang mga barangay ng Silangan, Kanluran at Iraya Sur, kung saan nagkaloob ang DTI sa pamamagitan ng Negosyo Center ng nasa labinglimang livelihood kits sa mga piling micro enterprises.

Kabilang sa mga beneficiaries ay ang mga mayroong business activity tulad ng Native Delicacies Making, Food Processing, Eatery, Bread and Pastry, Food Stall, Steamed Food Products Manufacturing at Sari-Sari Store.

Sa bayan naman ng San Lorenzo Ruiz ay nasa 30 livelihood kits ang naipamahagi  sa ilang piling beneficiaries mula sa mga barangay ng Laniton, Langga, Manlimonsito, Salvacion, San Ramon at San Antonio.

Ang mga beneficiaries ay ang mayroon ding kahalintulad na business activity at dagdag dito ay ang Meat Processing at Farming.

Kasama rin sa aktibidad ang Seminar on Business Rehabilitation sa pamamagitan ng LSP-NSB at sa Costing and Pricing.

Ang LSP- NSB ay isang programa ng DTI sa pakikipagtulungan ng LGU na layong mailapit sa mga tao ang serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawa na magbibigay daan sa mas malawak na maabot ng business development assistance.

(photo courtesy: DTI CamNorte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *