Mag-bestfriend sa South Korea, naging instant mag-ina

Isang libro kamakailan ang isinulat at hinango sa totoong buhay ng isang babae sa South Korea kung saan siya rin mismo ang may akda.

Inilahad kasi dito ni Eun Seo-ran ang kuwento sa pagitan ng kaniyang bestfriend na ngayo’y naging opisyal na silang mag-ina.

Inampon niya kasi ang 38-anyos na si Lee Eo-rie kung saan naging matalik niyang kaibigan nang minsan siyang lumipat ng bahay.

Dahil sa parehong walang balak na magkapamilya ay nagkasundo ang dalawa na sila na lamang umano ang magsama sa isang bahay at sila na lamang ang mag-aalaga sa isa’t isa lalo kung maospital ang kung sino man.

Mayroon kasing batas sa naturang bansa na tanging kamag-anak laman ang maaaring gumawa ng isa kritikal na desisyon lalo sa tuwing nasa ospital ang isang pasyente.

Naging matagumpay naman ang kanilang isinagawang adaptation process at ngayo’y isa nang mag-ina.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *