Magiging sperm donor nina Liza Dino at Ice Seguerra, isang Irish-German

Kinumpirma ni Liza Diño-Seguerra na nakahanap na sila ng sperm donor, para sa plano nilang magkaanak ng partner na si Ice Seguerra.

Ibinahagi rin ni Liza ang plano nilang makabuo ng baby via IVF, o in-vitro fertilization.

Ayon kay Liza, na chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), posibleng sa US dadalhin o sa Malaysia ang sperm para ma-fertilize sa frozen egg ni Ice para maging embryo.

Kung hindi naman, posible rin umano ang egg ni Ice ang dadalhin.

Paglalahad pa nito, ang napili nilang donor ay isang Irish-German na may edad na “below thirties.”

Pero maliban sa mga detalye na nakasaad sa profile nito, hindi nila kilala nang personal ang kanilang sperm donor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *