Magpinsan na suspek sa pagpatay sa isang 50 anyos na lalaki, kulong na sa kasong murder

Inilabas na ng korte ang warrant of arrest sa dalawa umanong wanted sa lalawigan ng Palawan, ayon sa Provincial Police Office.

Sa ulat ng PPO, ang mga binabaan ng arrest warrant ay sina Jhon Orcio Bungay, 27 anyos (Rank no. 5 Provincial level).

Inihain na rin ang arrest warrant kay Eric John Manzano Bungay, 25 anyos (Rank No. 3, Provincial Level) ng Brgy. 1, Roxas, Palawan nitong Lunes, March 6, 2023.

Ayon sa Provincial Police, ang mag-pinsan ay may kasong Murder at nitong March 2, 2023 ay inilabas ng korte ang kanilang arrest warrant.

Ayon naman sa Roxas PNP, ang mga suspek na Bungay ang suspek sa pananaksak sa isang Johny Tero, 50 anyos noong gabi ng December 18, 2022 habang naglalakad ang biktima.

Inakala umano ng mga suspek na ang biktima ang nambato na noo’y sumusunod sa kanila kaya pinagsasaksak nila ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, nahuli agad ang mga suspek noong gabing iyon ng mga tauhan ng Roxas PNP sa pamamagitan ng manhunt operation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *