Magsasaka, hinoldap ng armadong kalalakihan; P450k, natangay

Hinoldap ang isang magsasaka sa Barangay Bulalacao sa Bataraza Palawan.

Ayon kay Bataraza PNP Station Commander PMAJ DHENIES S ACOSTA, bandang alas-otso kagabi nangyari ang panghoholdap sa biktimang si Eddie Gregorio.

Sa imbestigasyon nila sa biktima, anim na armadong kalalakihan ang pumasok sa kanyang tindahan sa Bulalacao na walang mga maskara o anumang takip sa mukha.

Kinuha umano ng mga suspek ang humigit kumulang P450, 000.00 at alahas sa tindahan ng biktima.

Nabatid umano ng mga salarin na may pera ang biktima dahil bago lang ito nagpa-ani ng palay.

Tinangka pa raw ng mga ito na sumakay sa multicab ng biktima subalit hindi nila ito napaandar.

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ang isang motorsiklo na hinihinalang naiwan ng mga suspek habang patuloy ang manhunt operation sa kanila ng PNP Bataraza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *