₱5.3 million na smuggled na sigarilyo, sinira ng BOC

Umabot sa 207 boxes at 3,507 reams na mga smuggled na sigarilyo na katumbas ng ₱5.3 million ang sinira ng Bureau of Customs Sub-port dito sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Puerto Princesa Port Collector Gladys Fontanilla-Estrada, ito ay galing sa mga isinagawang operation noong August 16 hanggang 18  ng Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard Palawan, at ng National Bureau of Investigation (NBI) Puerto Princesa District Office.

Sinira umano ang mga smuggled na produkto sa pamamagitan ng paghihimay at pagbabad sa tubig ng mga sigarilyo na alinsunod sa Section 1146 at 1148 ng “Customs Modernization and Tariff Act”

Samantala , siniguro naman ni Estrada sa publiko na paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga border ng lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan upang maiwasan ang pagpasok ng mga ilegal na produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *