Magsasaka mula Cabatuan, Isabela, huli sa buy bust ops sa Cauayan City

Timbog ang isang magsasaka matapos magkasa ng drug buy bust operation ang magkasanib pwersa ng PNP Cauayan at PDEA Region 2 sa Brgy. San Fermin Cauayan City, Isabela ngayong araw, June 3, 2021.

Kinilala ang nahuli na si Alex Colobong, 41 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. La Paz Cabatuan Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng kapulisan, binentahan umano ni Colobong ang poseur buyer ng isang (1) plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 440 pesos.

Nasamsam pa mula sa kanyang direktang pag-iingat ang isang (1) one thousand bill, isang cellphone, isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng tatlong pirasong na aluminum foil, tatlong (3) piraso ng bala ng calibre 22 at ang kanyang motorsiklo.

Sinubukan namang ng 92.9 Brigada News FM Cauayan na kuhanan ng pahayag si Colobong ngunit tumanggi siyang magsalita kaugnay dito.

Samantala, dinala si Colobong kasama ang mga nasamsam na kagamitan sa PNP Cauayan City para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *