Magsasaka na nanutok ng baril sa isang security guard, arestado sa Malinao, Albay

LEGAZPI CITY – Himas rehas na ngayon ang isang magsasaka matapos hulihin ng mga awtoridad sa Purok 11, Estancia, Malinao, Albay dahil sa panunurok ng baril sa isang security Guard.

Kinilala ang suspek na si Richard Bañares Casaul, 32 anyos, residente ng Purok 11, Brgy. Labnig ng nasabing bayan.

Ayon sa report, umaga nang makatanggap ng tawag ang Malinao MPS mula sa nagngangalang Mark Pavia, Barangay Secretary ng Brgy Labnig tungkol sa insedente.

Humingi ng tulong sa pulisya ang crgy. secretary tungkol pa nanutok ng baril sa isang security guard ng Labnig National High School.

Agad naman ipinadala ang mga tauhan ng Malinao MPS upang i-verify ang nasabing report.

Nang makarating sa lugar ang mga awtoridad dito na sinubukan na hulihin ang suspek, ngunit bumunot ng baril sa kanyang bag at sinubukang lumaban sa pulisya.

Sa body search na isinagawa laban sa suspek nakuha sa kanya isang kaliber 38 revolver na nakalagay sa itim na shoulder.

Pagkatapos nito ay dinala ang suspek sa Ziga Memorial District Hospital, Tabaco City para sa medikal na pagsusuri.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na ng himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kasong isasampa na paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *