Celtics balik sa NBA Finals matapos ang 12 taon

Matapos ang mahigit isang dekada muling magbabalik sa NBA Finals ang Boston Celtics.

Pinaluhod ng Celtics ang Miami Heat sa mismong home court nito sa Game 7 ng Eastern Conference finals, 100-96.

Muling bumida sa laro ang ‘Big 3’ ng Boston na humakot ng 74 combined points.

Double-double ang nai-ambag ni Jayson Tatum sa kanyang 26 points at 10 rebounds, habang tig-24 puntos naman ang naibigay nina Marcus Smart at Jaylen Brown.

Naging ‘thrilling’ pa ang huling dalawang minuto ng laro dahil mula sa 10 puntos naibaba ng Heat ang lamang sa dalawa sa nalalabing 18 segundo, 98-96.

Sumablay ang tres ni Jimmy Butler para sana magbigay ng kalamangan sa Miami 16 segundo at dito tinuldukan ng Celtics ang laro sa pamamagitan ng dalawang free throws ni Smart.

Nanguna para sa Heat si Butler na may 35 puntos, may 25 points si Bam Adebayo, habang may 15 points si Kyle Lowry.

Haharapin ng Celtics sa finals ang Golden State Warriors na unang dinispatsa ang Dallas Mavericks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *