Mahigit 10-M COVID-19 vaccine doses, naiturok na sa NCR

Pumapalo na sa halos 10.4 million COVID-19 vaccine doses ang naituturok ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Batay sa datos ng Department of Health, ibinahagi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief Benhur Abalos na 6.4 million first doses an naibakuna na halabang apat na milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang second dose.

Ayon kay Abalos, ang Metro Manila ay may populasyon na 14 na milyon.

Dagdag nito, may ilang LGUs na nakapagbakuna na ng first dose sa mahigit 100 percent ng kanilang populasyon, dahil nagbabakuna rin umano sila ng mga non-resident workers sa kanilang mga lungsod. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *