Mahigit 100 barangay sa Bicol, apektaado ng bayong Bising

LEGAZPI CITY – Tinatayang nasa mahigit 100 barangay sa Bicol Region ang apektado ng bagyong Bising.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Legazpi mula sa Office of the Civil Defense.

Ayon sa tanggapan, umabot sa 168 na barangay ang apektado kung saan nasa 29, 443 na pamilya o 110, 042 individuals ang nagsipag-evacuate.

Pinakamaraming nagsipaglikas ang mga residente mula sa Camarines Sur kung saan aabot sa 107 na barangay ang apektado, 3, 830 families o 15, 511 individuals, Catanduanes 8, 205 families o 32, 491 individuals.

Ang lalawigan ng Masbate mayroon lamang na limang barangay ang apektado kung saan umabot din sa 71 na pamilya o 283 individuals lamang ang nagsipaglikas.

Sa Sorsogon 14 na barangay ang apektado 75 families o 369 na individuals lamang.

Ang Albay, ay mayroong 42 barangay na apektado kung saan nasa 17, 262 na pamilya o 61, 388 na individuals ang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa nasabing bagyo.

Ayon pa sa ahensya, may mga pamilya ang nagsipag-uwian na rin sa kanilang tahanan ngunit may mga residente pa rin ang nananatili pa sa evacuation centers dahil na rin sa lubog pa sa baha ang kanilang barangay o lugar dulot ni Bagyong Bising.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *