Mahigit 11,000 na indibidwal sa Bauan Batangas, nabakunahan na kontra covid-19

BAUAN – Umabot na sa mahigit 11,000  na mga residente sa bayan ng Bauan, Batangas ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra covid-19.

Base sa datos ng Bauan Municipal Health Office, nasa kabuuang 11, 174 ang nabakunahan ng first dose habang nasa 2, 883 naman ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

Sa kabuuan, nasa 14,057 doses na ng bakuna ang na-administered sa buong bayan.

Samantala, umabot sa 1,551 ang mga healthcare workers na nabakunahan ng first dose kung saan 1,116 dito ang fully vaccinated na.

Sa hanay naman ng mga senior citizens, 4,258 ang nakatanggap na ng first dose habang 71 pa lamang ang nakakumpleto ng dalawang dose.

Pinakamarami naman ang nabakunahan ay sa hanay ng A3 category o persons with comorbidities kung saan 4,437 ang may first dose na at 1,696 naman ang may dalawang dose.

Samantala, nagsimula na rin ang bayan ng Bauan sa pagbabakuna sa kanilang mga essential workers o yung mga indibiwal na pasok sa A4 category kung saan sa ngayon ay nasa halos 1,000 na ang nabakunahan ng first dose ng covid-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *