Mahigit 2K eskwelahan sa Bicol nagsasagawa na ng f2f classes ayon  sa DepEd

BNFM BICOL – Kinumpirma ng Department of Education o DepEd- Bicol na aabot sa 2,800 na mga eskwelahan sa rehiyon ang nagsasagawa na ng face to face classes.

Sa panayam ng Brigada News FM ng DepEd-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, sinabi nitong batay sa tala ng kanilang ahensya, nasa 2,632 mga public schools ang nagsasagawa na ng face to face classes habang nasa 156 naman na mga pribadong paaralan sa rehiyon ang nagsasagawa ng nasabing mode of learning.

Aniya, posible pang madagdagan ang mga eskwelahan na magsagawa ng ‘in person classes’ ngunit naka depende pa rin umano ito sa COVID-19 status ng isang lugar.

Sa huli, nanawaga si Sadsad sa mga estudyanteng nahihirapan pa rin sa nagpapatuloy na online learning na maging matatag at sikaping maibalik ang sigla sa pag-aaral dahil naniniwala aniya ang opisyal na babalik at babalik pa rin sa dati ang sistema ng pag-aaral.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *