BBM supporter Andrew E. at Leni supporter Pokwang nagkita sa Boracay

Umiral ang respeto sa pagitan ng mga artistang magkakaiba sa pananaw sa pulitika pagkatapos ng eleksyon.

Ilang araw kasi matapos ang eleksyon ay nagkita sa Boracay sina Andrew E na kilalang endorser ng BBM-Sara Uniteam at Pokwang na kilalang supporter naman ng kakampink ni Vice President Leni Robredo.

Base sa picture na na-upload sa social media, masaya sina Andrew E at Pokwang at pamilya nito na animo ay hindi magkaiba ang sinuportahang kandidato.

Sinabi ni Pokwang na by accident ang pagkikita nila ni Andrew E. sa Boracay pero masaya sila dahil umiral ang respeto sa pagitan nila.

Samantala, tiniyak ni Pokwang na tanggap na niya ang resulta ng katatapos na halalan bagamat may pitik ito sa kanyang mensahe na wag daw magmalinis ang mula sa kabilang bakod dahil lahat naman ay pareho silang nagsalita ng hindi maganda sa mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *