Mahigit 6.3 milyong COVID-19 vaccine, naiturok na sa iba’t ibang panig ng bansa-DOH

Umaabot na sa 6,340,548 ang kabuuang bilang ng mga bakuna kontra covid-19 na naiturok na sa buong bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Napoleon Arevalo, Director IV ng Department of Health na sa nasabing bilang ay 4,632,826 ang nabigyan ng first dose ng covid-19 vaccine, kabilang dito ang 1,412,187 na indibidwal na pasok sa A1 priority group o mga frontline health workers, 1,622,613 mula sa A2 priority group o ang mga senior citizen, 1,568,809 mula sa A3 priority group o mga adult with commorbidities at 29,217 mula sa A4 priority group o mga essential workers. 

Naitala naman ang kabuuang 1,681,722 na mga indibiwal na nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.

Sa bilang na ito, 886, 420 ang A1 category, 415,520 ang senior citizens, 373,493 sa mga may sakit at 6,269 sa mga essential workers. 

Ayon kay Dr. Arevalo, patuloy ang pagdami ng mga nababakunahan kasunod na rin ng pagdating ng suplay ng bakuna. // CLAY MARQUEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *