Mahigit 600 barangays sa Bicol region, hindi pa idinideklarang drug-cleared ng PDEA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol na mahigit 600 pang barangay sa rehiyon ang hindi pa naidedeklarang drug-cleared.

Ayon kay PDEA Bicol Regional Director, Edgar Jubay, ang isla ng Catanduanes at Sorsogon ang posibleng maideklarang drug-cleared barangay ngayon taon.

Ang mga nabanggit na mga lalawigan ay mayroong tig-sampung barangay na hindi pa umano deklaradong drug cleared.

Prayoridad ng ahensya ang lalawigan ng Camarines Sur, kung saan malapit ito sa mga super region tulad ng NCR, Region 3, Region 4A at 4B na posibleng nakaapekto sa pagkalat ng iligal na droga.

Binigyang-diin nito na hindi pa rin titigil ang kanilang ahensya sa kanilang tungkulin at mga programa para sa kapakanan ng mga barangay.

Sinabi pa ng opisyal, target nilang mapababa sa 300 mula sa mahigit na 600 barangay ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *