8 million halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska mula sa isang motorcycle seller sa Lucena City

Arestado ang isang motorcycle seller matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng awtoridad sa Purok Narra, Inmaculada Subd. Barangay Isabang, Lucena City ngayong araw ng Lunes, Marso 20.

Ayon sa report, bandang alas 12:24 ng hatinggabi isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang High Value Individual (HVI) na kinilala sa pangalang ANDRIAN SEBUC SALUDEZ, alyas “Ian”, 34-anyos, residente ng  naturang lugar.

Sa gitna ng operasyon, nakumpiska ang kabuuang 375 gramo ng hinihinalang shabu mula kay Saludez na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱8,000,000.

Nakumpiska rin ang isang sling bag, isang (1) genuine 1000-peso bill at 59 piraso ng 1000 peso boodle money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *