Mahigit 650K na drug surrenderers, balik na sa normal ang buhay – Azurin

Aabot sa mahigit 650,000 na mga drug surrenderers ang ngayo’y nagbalik na sa kanilang normal na buhay matapos sumailalim sa rehabilitation program ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nasa kabuuang 654,228 na indibidwal na dating mga lulong sa iligal na droga ang nag-graduate na sa PNP-initiated recovery and wellness program.

Ang nasabing rehabilitation program ay tumagal sa loob ng anim na taon mula noong July 2016 hanggang nitong October 2022.

Batay sa datos ng PNP, ang nasabing bilang ng mga bagong graduate mula sa rehabilitation ay 53.11 percent mula sa kabuuang 1,231,894 drug surrenderers.

Sinabi ni Azurin na ang naturang programa ng PNP ay siyang susi para mapigilan ang pagdami ng mga taong nalululong sa iligal na droga.

Ito ay sa pamamagitan na rin aniya ng isang holistic approach kung saan partikular na ginagamit dito ang tinatawag education-based demand reduction.

Ipinunto rin ng PNP Chief na maituturing na isang tagumpay ang naturang programa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *