Mahigit 800 Omicron subvariants, naitala ng DoH; Average deaths kada araw, bumaba

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa Omicron subvariants sa bansa.

Sa sequencing results ng Department of Health mula September 16 hanggang 19, nakapagtala ito ng 912 na mga bagong kaso ng Omicron lineages at other lineages.

688 ang mga bagong kaso ng BA.5 subvariant kung saan, 11 ay mga returning overseas Filipinos.

Pinakamaraming naitala ay mula sa Metro Manila na mayroong 126 na mga bagong kaso; sinundan ng Region VI na mayroong 104; at Region II na may 75 new cases.

Mayroon ding 16 na bagong BA.4 subvariant cases; habang 110 naman ang na-categorize bilang ‘other sublineages’.

Muli namang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng positivity rate ay hindi pa maiuugnay sa pagluluwag ng mask mandate sa bansa.

Iniulat din nito an bumaba ang average deaths ng COVID-19 mula 17 kada araw nitong Agosto – pababa ng tatlong fatalities kada araw ngayong Setyembre.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *