Mahigit 800 pamilyang apektado ng granular lockdown sa Cotmon, Camalig, Albay nabigyan ng bigas

BICOL—Dahil sa ipinatupad na granular lockdown sa Barangay Cotmon dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, tiniyak ng lokal na gobyerno ng Camalig, Albay na hindi mapapabayaan ang mga residenteng apektado nito.

Nasa 50 sako ng bigas ang ipinamahagi sa nasa 826 na mga pamilyang naka- lockdown upang maiwasan ang pagpupumilit ng mga itong lumabas para bumili ng kanilang pangangailangan.

Sa ilalim ng inilabas na Executive Order No. 42, s. 2021 ng lokal na gobyerno, pigbabawalan ang mga residente kahit pa sila ay Authorized Persons Outside of Residence (APORs) o hindi sa mga non-essential travel o mga aktibidad upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa komunidad.

Kaugnay nito, nakalatag ang mahigpit na control point sa mga entry at exit points ng barangay upang matiyak na masusunod ang nasabing executive order at iba pang COVID-related protocols.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *