Mahigit 8,000 na business establishments sa Legazpi City, nainspeksyon na ng BFP para sa 2023

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 8,000 mga business establishment sa lungsod ng Legazpi ang na-inspeksyon na ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa taong 2023.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Fire Inspector Mark Joshua Malano, Deputy City Fire Marshal ng BFP Legazpi, sinabi nitong aabot na sa 6,177 mula sa 8,000 ang nakapagbayad na para sa fire safety inspection certificate kung saan sila lamang ang maaaring makakuha ng business permit sa susunod na taon.

Ayon kay Malano, ang bawat establishment ay may kanya-kanyang category, types of occupancy o requirements para sa inspeksyon at pagkuha ng nasabing certificate.

Dagdag pa nito maging ang mga simpleng negosyo tulad ng sari-sari store ay nire-require pa ring kumuha dahil mandatory ito.

Aniya, obligado ang lahat na may-ari ng mga negosyo sa lungsod na kumuha ng fire safety certificate upang matiyak ang kaligtasan ng bawat empleyado at mga pumapasok na costumer sa loob ng establishment.

Sinabi ng opisyal, ang hindi makakapag-comply sa mga hinihinging requirements ay hindi makakakuha ng business permit at fire safety inspection certificate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *