Mahigit 90 violation tickets inisyu sa mga pasaway na motorista sa OTBT ng HPG

CAMARINES NORTE- Aabot sa 91 violation ticket ang inisyu sa mga pasaway na motorista sa One Time Big Time Operation ng Philippine National Police Highway Patrol Group, Land Transportation Office, Local Police at LGU enforcers sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Camarines Norte, Lunes ng gabi, March 6.

Karamihan dito ay Traffic Citations Ticket na nasa 67 mula sa LGU na mas magaan ang penalty.

Pero mayroon din namang 24 na inisyung Temporary Operators Permit (TOP)  na mas mabigat ang penalidad.

Pinakamarami ang violation sa helmet sa kabila ng paulit- ulit na paaalala ng mga awtoridad.

Nasa 18 ang naisyuhan ng violation ticket dahil sa paggamit ng unauthorized helmet at 5 naman ang walang suot na helmet.

Marami rin ang natiketan dahil sa paglabag sa Seatbelt law na isa sa pinaka naabusong batas.

Kinumpiska rin ang mga illegal attachments sa sasakyan tulad ng LED lamps.

Ayon sa batas, pinapayagan naman ang pagkabit ng extrang ilaw o auxiliary lights pero limitado lang ito sa dalawa.

Sa naturan din operasyon ay limang sasakyan ang na- impound.

Sa kabila naman ng kaliwa’t kanang panghuhuli ay hindi lang naman umano ito ang ginagawa ng HPG at LTO.

Nagkakaroon din umano sila ng road safety seminar at pagpapaalala sa mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *