Mahigit 900 na mga indibidwal sa Bicol, nabakunahan na laban sa COVID-19 noong nakaraang linggo

Aabot sa isanlibong mga indibidwal ang nabakunahan na laban sa COVID-19 noong nakaraang linggo sa buong rehiyon ng Bicol ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos ng ahensya, siyam na raan at pitumpu’t apat ang nadagdag sa listahan ng mga fully vaccinated individuals mula Disymebre 11 hanggang 17.

Sa kabuuhan, mahigit tatlong milyong mga indibidwal na ang nakatalang fully vaccinated na sa COVID-19.

Sa parehong datos, mahigit dalawang libong mga indibidwal ang mga nagpabakuna ng karagdagang dose o booster shot sa rehiyon kaparehong peryodo.

Sa ngayon naman ay may mahigit anim na raang libo na ang mga indibidwal ang nakatanggap ng kani-kanilang booster shots sa buong rehiyon.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol na magpabakuna at magpa-booster nang makamit ang karagdagang proteksyon laban sa malalang sintomas ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *