Mahigit tatlong daang drug surenderee ng bayan ng Ampatuan, isinailalim sa drug test

ISINAILALIM sa drug test ang nasa mahigit tatlong daang mga drug surenderee ng bayan ng Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Ampatuan Municipal Information Officer Aimee Sambolawan, layunin ng nasabing aktibidad na tiyaking hindi na muling masasangkot sa iligal na droga ang mga sumukong personalidad. Bahagi din anya ito ng Community Based Rehabilitation Program o CBRP na Pamahalaan para mapaigting pa ang pagbabantay at pagtutok sa kanilang kampanya kontra iligal na droga. Sa sinumang magpopositibo sa nasabing drug test ay muling sasailalim ang mga ito sa rehabilitasyon at tatanungin kung bakit muli itong bumalik sa pagkakahumaling sa illegal na droga. Dagdag pa ni Sambolawan na tanging ang Barangay Kauran na lamang sa ngayon ang hindi pa naki-clear ng PDEA sa illegal na droga kung saan 2017 pa nadrug cleared na ang syam na mga barangay ng Ampatuan at isa ang unaffected Barangay at ito ay ang Barangay Tubak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *