Mahigpit na implementasyon ng Price Act, hiniling ng grupo ng mga magsasaka

Hiniling ng isang grupo ng mga magsasaka ang mahigpit na implementasyon ng RA 7581 o Price Act kasunod ng na-monitor na pagtaas ng presyo ng produktong karne.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG president Rosendo So, sinabi niyang problema ng delivery ng karne sa retailer ang nakikita nilang dahilan kaya bahagyang tumaas ang presyo nito sa merkado.

Ang average farm gate price ng karne ng baboy sa Luzon ay mula 18o hanggang 190, dapat ay 285-300 pesos kada kilo ng kasim at 320-330 lamang ang dapat na presyo ng liempo.

Samantala, ayon kay So, ay sapat pa naman ang supply ng mga agricuktural products sa bansa, tulad ng baboy, manok at itlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *