Mahirap sabihing magiging Delta resilient na ang PH sa susunod na buwan- PGC

Mahirap umanong sabihin na magiging resilient na ang Metro Manila laban sa COVID-19 Delta variant sa mga susunod na buwan. 

Ito ang sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma kasunod ng pahayag ng eksperto mula sa OCTA Research na magiging Delta resilient na ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan ngayong nakapagbakuna na ang mga lokal na pamahalaan ng 20 hanggang 70 percent ng kanilang populasyon. 

Ayon kay Saloma, habang mahalaga ang pagbabakuna para maprotektahan ang mga tao laban sa umuusbong na mga bagong COVID-19 variants, importante pa ring sumunod ang lahat sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at pag-obserba sa physical distance.

Mababatid na nakapagtala ang bansa ng 19 cases ng COVID-19 Delta variant na sinasabing mas nakakahawa. 

Samantala, umakyat na sa 49,613 ang total active cases sa Pilipinas matapos maitala ang 4,000 bagong kaso kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *