Mambabatas, tiniyak na susuportahan ang planong panunumbalik ng madatory ROTC

‘Full-support’ umano ang ibibigay ni Senador Win Gatchalian para sa pina-plano ni Vice President-elect Sara Duterte na paunumbalik ng mandatory na ROTC training.

Ayon sa Senador, maging siya nga raw mismo ay naghain ng panukala sa Senado para ilagay ang ROTC sa basic education.

Paniniwala ni Gatchalian – ang military training ay mayroong malaking naitutulong sa development at skills ng isang learner.

Kabilang na aniya rito ang pag-responde sa mga kalamidad, at pagiging handa sa anu mang uri ng mga disaster.

Nilinaw naman ng Senador na ang mandatory na military training ay hindi naman nangangahulugang mayroong pinaghahandaang giyera ang Pilipinas.

Sa huli, sinabi ni Gatchalian na sakali mang lumusot ang panukalang mandatory ROTC, kinakailangan pa rin aniyang masiguro na hindi ito maaabuso at matatabunan ang oras ng mga estudyante para makapag-aral.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *