PCG, handa nang mag-deploy ng augmentation para sa BBM inauguration

Lalarga na ang deployment ng Philippine Coast Guard ng kanilang mga asset at mga personnel para mag-augment sa ipatutupad na seguridad ng panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa June 30.

Ayon kay PCG Commandant Adm. Artemio Abu, makatutuwang ng DILG ang PCG para masigurong ligtas at payapa ang pinaka-unang araw ng administrasyong Marcos.

Mag-o-augment ang PCG sa Task Group Maritime Security – NCR at Central Luzon para matiyak na walang anu mang untoward incident at mga banta sa maritime areas.

Nakatkdang ipadala ng PCG Fleet ang ilang mga inflatable at aluminum boats, pati na rin ang mga personal watercraft sa Manila Bay at sa Pasig River.

Ang kanila namang Land personnel at vehicles ay gagamitin para sa pag-mando ng trapiko.

Maliban sa mga itatalaga para sa security, magdedeploy din ang PCG ng kanilang medical team mula sa Coast Guard Medical Service.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *