Manila Film Festival 2023 – Parade of Stars, umarangkada na!

Umarangkada na ang Parade of Stars para sa sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Nagsimula eksaktong alas dos ang parada sa centennial park sa Navotas, at dadaan sa Malabon, Caloocan at magtatapos sa People’s park sa Valenzuela kung saan gaganapin ang main event.

Ito rin ang unang pagkakataon na dadaan ang MMFF Parade of Stars sa apat na lungsod.

Nagpabonggahan naman ng floats ang sampung pelikulang kalahok na kinabibilangan ng A Mother and Son’s Story, KAmpon, Penduko, Rewind, Becky and Badette, Broken Hearts Trip, Firefly, GomBurZa, Mallari, at When I Met You in Tokyo.

Present din sa bawat float ang mga pangunahing artista ng bawat pelikulang kalahok, gaya ni Marian Rivera, Dingdong Dantes, Eugene Domingo, Pokwang, Derek Ramsay, Alden Richards at iba pa.

Samantala, isanlibong tauhan naman ng MMDA ang ipinakalat upang tumulong sa crowd control at kaligtasan sa kahabaan ng ruta ng parada habang hindi naman bababa sa dalawang libo ang idineploy na mga tauhan ng NPD gayundin ang mga traffic enforcer at empleyado ng mga kinauukulang ahensya mula sa CAMANAVA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *