Marcos administration, itinaas sa $3B ang US dollar-denominated bond offer

Tinaasan ng Marcos administration sa kabuoang $3 billion o halos P164 billion mula sa kanilang sale ng triple-tranche dollar-denominated bonds, na marka para sa kanilang second fund raising effort sa offshore debt market.

Kaugnay nito, inilarawan ni National Treasurer Rosalia de Leon ang return sa international capital markets ng gobyerno bilang “blockbuster” matapos na pumalo ang order-book sa $28.2 billion para sa lahat ng tranches ng bond offer.

Mababatid na itinaas ng administrasyon sa $500 million para sa 5.5-year tranche, $1.25 billion para sa 10.5-year tranche, at $1.25 billion para sa 25-year ESG o environmental, social at governance bonds.

Ang 5.5-year tranche ay may presyo na coupon rate na 4.625%, habang ang 10.5-year tranche ay makakatanggap ng interest rate na 5% at 5.50% naman para sa 25-year ESG.

Ayon sa Treasury, plano ng gobyerno na gamitin ang kita sa 5.5-year at 10.5 year bonds para sa general purposes ng bansa kabilang na ang budgetary support.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *