Marcos: mapapalakas na ang internet connection sa bansa dahil sa subsea cable project

Asahan umano ang mga Pilipinos ang mas magandang WiFi connection sa pamamagitan ng subsea cable project sa pagitan ng Converge ICT Solutions, Inc. at Singapore’s Keppel Telecommunication and Transportation, Inc.

Kaugnay nito, wenelcome ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang partnership sa pagitan ng dalawang internet service providers.

Dagdag ni Marcos na ang 15,000-kilometer Bifrost Cable System Project ay resulta ng kanyang pagbisita noong nakaraang taon sa Singapore, nang manood siya ng F1 Grand Prix.

Matatandaan na ang naturang visit ng pangulo ay umano ng mga batikos dahil nangyari iyon habang ang bansa ay sinasalanta ng Super Typhoon Karding.

Sa ilalim ng “definitive agreements” na pinasok ni sa Keppel noong 2021, nabigyan ang Converge ng Indefeasible Right of Use para sa isang fiber pair sa main trunk ng Bifrost Cable System.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *