Marcos, muling isinulong ang pagratipika sa RCEP sa gitna ng forum sa Japan

Muling isinulong ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan, ang pagratipika sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal, kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga signatory.

Ang RCEP na unang lumutang noong August 2012, ay kinabibilangan ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama ang China, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand.

Mababatid na inaprubahan ito ng nakaraang administrasyon noong September 2022 at dinala sa Senado para sa concurrence.

Bago pormal na umupo sa pwesto, nagpahayag si Marcos ng reservations hinggil sa RCEP, at sinabing nais muna niyang suriin kung anu ang magiging epekto nito sa agriculture sector ng bansa.

Samantala, una nang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na inaasahan niyang raratipikahan ng kapulungan ang trade agreement ngayong buwan, sa kabila ng pagdadalawang isip ng kanyang mga kamasahan, lalo na ng presidential sister na si Senator Imee Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *