Marcos, nanawagan sa APEC leaders ng revitalization ng MSMEs at sa pag-adopt ng mga polisiya ukol sa green post-pandemic recovery

Dapat na mas mapalawak pa ang tinatawag na digital divide upang magkaroon ng kakahayan ang bawat bansa sa Asia Pacific Region na mag-participate sa digital economy.

Isa ito sa mga ipinunto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa 29th APEC Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok Thailand.

Ayon sa Pangulo, napakahalaga ng pag-revitalize sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) lalo pa’t ito ang nakikita niyang magandang hakbang ukol sa usapin ng economic regeneration, job creation at poverty reduction.

Binigyang diin ni Marcos na dahil sa MSMEs, mas lumalakas ang productivity ng digital economy at sa pamamagitan aniya ng tamang pamamaraan at polisiya, mas lalo pang makaka-adopt ang Pilipinas sa e-commerce.

Samantala, bukod dito, nanawagan din ang Pangulo sa adoption ng iba’t-ibang polisya para sa pag-promote ng green post-pandemic recovery.

Sa katunayan, suportado ni Marcos ang Bangkok Goals on the Bio-Circular-Green (BCG) Economy na aniya’y isang konkretong inisyatibo para mas makamit ng Asia Pacific ang sustainable future.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *