Marcos, pinatawag ang Chinese Envoy upang ipahayag ang pagkabahala sa ginagawa ng China vs. PCG, Filipino Fishermen sa WPS

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Huang Xilian para ipahayag ang kanyang pagkabahala sa ginagawa ng China laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Inihayag ito ng Presidential Communications Office.

Ang hakbang ng Pangulo ay matapos tutukan ng military grade laser ng Chinese Coast Guard and barko ng PCG sa Ayungin Shoal.

Matatandaang, naghain na rin ng protesta ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa nangyaring insidente.

Nangyari umano ang panunutok ng Chinese ship ng “military-grade” laser light sa Philippine Coast Guard noong Februray 6, na tumutulong sa Philippine Navy rotation and resupply mission.

Pero una nang iginiit ng China na ang PCG vessel ang nanghimasok sa kanilang teritoryo na “without Chinese permission.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *