Marcos, umaasang makakamit ang layunin na lumikha ng world-class air force ang bansa

Nanawagan si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa Philippine Air Force na patuloy na makipagtulungan sa administrasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng bansa.

Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force at ang pagreretiro Lieutenant General Connor Anthony Canlas Sr. kahapon kung saan kinilala niya ang mga tagumpay na nakamit ng organisasyon sa ilalim ng dating pinuno nito.

Si  General Canlas ay pinalitan ni Major General Stephen  Parreño bilang PAF commanding general.

Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Air Force  ay makakamit ang  layunin na lumikha ng world-class air force na magpapanatili ng kapayapaan at mag-aambag sa national development at regional security sa bansa.

Nangako rin si Marcos na patuloy na susuportahan ng kanyang administrasyon ang pagkamit ng mga layuning ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *