Mayor Inday, hindi na tatakbo pagka-pangulo, matapos tanggapin ni PRRD ang PDP-Laban nomination

Wala na umanong balak si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 National Elections kasunod ng pagtanggap ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon ng PDP-Laban para maging manok sa pagka bise-presidente.

Ayon kay Mayor Inday una na nilang napagkasunduan na isa lamang mula sa kanilang pamilya ang tatakbo sa national post sa 2022.

Nagpasalamat naman ito sa mga tagasuporta dahil sa tiwala at kumpiyansa sa kanyang kakayahan.

Binigyan-diin naman Alkalde na nanatiling maganda ang relasyon niya sa kanyang ama at hindi sagabal ang pulitika sa kanilang ugnayan pam-pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *