Mayorya ng pamilyang Pilipino, inaasahang mas maganda ang xmas celeb ngayon vs 2021

Inaasahan ng mga Pilipino na magiging kasing-unlad ng nagdaang Pasko ang magiging Pasko nila ngayong taon.

Sa inilabas na resulta ng “Ulat Bayan” survey ng Pulse Asia, napag-alaman na 43% na pamilyang Pilipino ang nagsasabing magiging mas maganda ang pagdiriwang nila ng Pasko ngayong taon kumpara sa Pasko noong nakarang taon.

42% naman ng Filipino Household ang nakikitang walang magiging pagbabago sa kanilang selebrasyon ng pasko.

Karamihan o 66% sa mga nagsabi na magkakaroon sila ng mas magarbong selebrasyon ng pasko ay mga Visayans, habang nangunguna naman ang Metro Manilans na may 58% sa paniniwalang magiging katulad lang ng nakaraang pasko ang kanilang pagdiriwang.

Sa kaparehong survey, sinabi ring 92% ng adult Filipinos ay nagnanais salubungin ang susunod na taon nang may pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *