Biyahe ng mga maliliit na bangka sa karagatang sakop ng Camarines Norte mananatiling suspendido

CAMARINES NORTE- Mananatiling suspendido ang biyahe ng mga bangkang 250 gross tons pababa sa karagatang sakop ng Camarines Norte hangga’t hindi bumubuti ang lagay ng panahon.

Sa impormasyon mula kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Philippine Coast Guard Camarines Norte Station epektibo pa rin ang notice to mariners na ipinalabas  noong linggo.

Matatandaan na pansamantalang sinuspende ang biyahe ng malilit na bangka dahil sa nakataas na gale warning at sa malabagyong panahon sa lalawigan bunsod ng shear line at Northeast monsoon.

Pati ang biyahe ng pampasaherong bangka sa Mercedes to Manguisoc ay sinuspinde rin kaya apektado ang daan- daang pasahero na sumasakay dito araw- araw.

Ani Rosales magdedepende pa rin sila sa sitwasyon kung papayagan nang makabiyahe ang pampasaheong bangka para na rin sa kaligtasan ng pasahero.

Sakaling kumalma na ang dagat sa may bahaging loob ay posibleng payagan itong makabiyahe pero mananatiling suspendido ang biyahe ng mga bangka sa labas hangga’t mayroong gale warning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *