MCOO, hindi maaring buwagin sa kabila ng isyu ng mali-maling meter reading ayon sa SORECO II

SORSOGON CITY – Binigyang diin ng Sorsogon II Electric Cooperative (SORECO 2) na hindi maaring buwagin ang Member Consumer’s Owners Organization (MCOO) sa kabila ng kinasasangkutan nitong isyu dahil sa mali -maling reading.

Paliwanag ni OIC General Manager Sheryl Yanesa hindi ito maaring alisin dahil mandato ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) na naglalayong mabigyan ng dagdag kabuhayan o kita ang mga member consumers.

Dagdag pa ng opisyal, kung mayroong pagkukulang ang mga meter reader nito ay ito lamang ang dapat aksyunan gaya ng pag-aalis sa mga 1 day meter readers at hindi ang pagbuwag sa organisasyon.

Mababatid na plano ng konseho na buwagin na ang MCOO sa lungsod matapos ang sunod- sunod na reklamo ng mga member consumers dahil sa mali- mali nitong pag-reading ng mga metro habang hinahanap naman ng konseho ang P3 peso sa kada kontador na ibinibigay sa MCOO ng kooperatiba kung totoong nagagamit nga ito sa pangkabuhayan ng bawat miyembro ng organisasyon at hindi ito naibubulsa ng iilang opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *