MDRRMO at BFP Guinobatan, nag-ikot sa mga sementeryo upang matiyak na maayos at ligtas ang kalagayan ng mga dumadalaw

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) Guinobatan ng pag-iinspeksyon sa mga sementeryo sa nasabing bayan.

Inikot kahapon ng LGU sa ilalim ng dalawang nabanggit na tanggapan ang mga sementeryo sa bayan upang tingnan kung nasa maayos at ligtas bang kalagayan ang mga dumadalaw o bumibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay.

Maliban pa rito, mayroon ding naka-standby na fire truck sa sementeryo sakali mang magkaroon ng sunog sa lugar.

May mga inilagay ding assistance desks sa entrance ng mga ito para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong.

Umasa naman ang LGU na nawa’y walang maitalang insidente lalo na ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, lalo pa’t hinigpitan din ang health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *