MDRRMO Pio Duran, nagbabala tungkol sa panganib na posibleng idulot ng pinaniniwalaang rockfall sa gilid ng kalsada mula sa isang bundok

LEGAZPI CITY – Pinag-iingat ng Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang publiko at mga motorista ukol sa posibleng rockfall o pagbagsak ng mga tipak na mga bato sa gilid ng kalsada mula sa isang bundok sa Brgy. Marigondon.

Ayon kay MDRRMO head, Noel Ordoña, dapat na maging alerto ang mga dadaan sa bahaging ito ng lugar upang makaiwas sa panganib at perwisyo na posible nitong maidulot.

Aniya, sila ay lubhang nababahala sa sitwasyong ito dahil napakamapanganib at hindi nila inaalis ang posibilidad na mangyari ito anumang araw o oras.

Sa ngayon, napaabot na ito sa iba’t ibang mga ahensya na maaaring tumugon sa nasabing problema, subalit wala pa naman umanong nakikitang hakbang na naaayon dito dahil mas mapanganib kung aakyatin ang bundok upang matanggal lamang ang mga bato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *