Metro Manila LGUs, target magsagawa ng mass COVID-19 vaccination sa Hunyo

Plano ng mga local government units sa Metro Manila na simulan ang mass COVID-19 vaccination sa Hunyo sa oras na dumating na ang suplay ng bakuna sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Paraรฑaque Mayor Edwin Olivarez na target ng mga LGUs na magaroon ng mass inoculation sa rehiyon sa Hunyo.

Ayon kay Olivarez, sa Paranaque City, plano ng LGU na bakunahan ang 5,400 indibidwal sa isang araw simula sa Hunyo para maabot ang target na 250,000 indibidwal sa isang buwan at 900,000 vaccinated individuals hanggang katapusan ng taon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang vaccination sa Paranaque pero kakaunti na lamag ang suplay ng bakuna. Bukod dito, ibinunyag din ni Olivarez na karamihan sa mga local chief executives sa Metro Manila, kabilang sya ay nabakunahan na laban sa COVID-19.

Aniya, dahil sa pagbabakuna sa medical professionals at local officials, tumaas ang vaccine confidence sa National Capital Region (NCR).

Mababatid na nagpapatuloy ang pagbabakuna sa buong bansa sa mga healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Plano ng gobyerno na mabakunahan na ang general public pagdating ng Agosto sa oras na sapat na ang suplay ng COVID-19 vaccines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *