Mexican journalist patay sa pamamaril sa Acapulco, Mexico

IDINEKLARANG dead on arrival ang Mexican journalist na si Nelson Matus – ang director ng local news site na Lo Real de Guerrero sa Guerrero State sa Mexico.

Nangyari ang pamamaslang sa mamamahayag nitong Sabado kung saan natagpuan na lamang ang bangkay nito sa coastal resort sa Acapulco City.

Ayon sa ulat, binaril habang nasa loob ng kanyang sasakyan ang biktima sa may parking lot ng isang tindahan.

Matatandaang nakaligtas si Matus sa dalawang tangkang pagpatay sa kanya noong 2017 at 2019.

Gayunpaman ang pagkamatay ng biktima ay nangyari isang linggo matapos matagpuan ang bangkay ni Luis Martin Sanchez, isa ring mamamahayag ng Mexican newspaper Jornada.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng komento ang Guerrero State General Attorney’s office hinggil dito.### HARLIN Lumibao, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *