Mga aktibidad kaugnay ng isang araw na Kasanggayahan Festival inilatag

Inilatag ni Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts Office (SPTCAO) head Bobby Gigantone ang mga aktibidad na gagawin kaugnay ng pagdiriwang ng Kasanggayan Festival sa araw ng Lunes, ika-17 ng Oktubre.

Ayon sa opisyal, ang selebrasyon ay uumpisahan ng isang misa na gaganapin sa Barangay Siuton sa bayan ng Magallanes.

Binanggit nito na ang nasabing misa ay ang ika-453 Annual Concelebrated Mass bilang pag-alala sa simula ng Kristiyanismo sa Luzon.

Pagkatapos nito ay isusunod naman ang programa kaugnay ng 128 Foundation Anniversary ng probinsya na isang multi- sectoral celebration at dadaluhan ng mga panauhin mula sa iba’t ibang National Government Agency, at LGUs ng lalawigan.

Susundan naman ito ng Barrio Fiesta na gaganapin sa Capitol compound kung saan libre ang pagkain, mga palaro, at musika at magsasagawa ng Unity parade pagkahapon na susundan naman ng konsiyerto. Magtatanghal dito ang mga singers na sina Kyla, Eric Santos at iba pa. Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Sa Progresibong Sorsogon, Una an Sorsoganon”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *