Mga aktibidad sa Birth Anniversary dating Naga City Mayor at DILG Secretary Jesse Robredo, plantsado na

NAGA CITY – Plantsado na ang gagawing mga aktibidad ng LGU-Naga sa ika-65 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Naga City Mayor at DILG Secretary Jesse M. Robredo sa darating na Sabado Mayo 27, 2023.

Ito ang napag-alaman kay City Event Protocols and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen Reondanga ng humarap ito sa isang Press Conference kaninang umaga.

Ayon kay Reondanga, isang Commemorative Program ang nakatakdang gawin sa darating na Sabado kung saan dadalohan ito ang mga malalapit na kaibigan ng dating alkalde at DILG Secretary, gayundin ang mga kapamilya nito.

Inaasahan din ang pagdating ng dating Bise Presidente o may bahay na si Atty. Leni Robredo.

Kasabay ng okasyon, bubuksan din ang 2nd JMR Chess Tournament na gaganapin sa JMR Museum, bukod sap ag bibisikleta hiling din kasi ito ng dating opisyal.

Si Robredo ay kilala sa Good Governance, hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *