Mga bakunang natanggap ng Bicol pumalo na sa mahigit 711k; 55% nito naiturok na

BICOL—Umabot na sa kabuuang 711, 240 doses ng COVD-19 vaccine ang natanggap ng Bicol region base sa pinakahuling vaccine statistics ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

100% na itong naipamahagi pero 55% pa lamang ang naibabakuna.

Katumbas ito ng 389,983 doses ng mga bakunang dumating. 59% na ang naiturok sa first dose o katumbas ng 269,371 habang 48% naman sa second dose o nasa kabuuang 120,612 doses.

Sa Camarines Sur ay umabot na sa 214,570 doses ang vaccine allocation, 189,072 sa Albay, 107,985 sa Masbate, 99,007 sa Sorsogon, 58,743 sa Camarines Norte at 41,863 sa Catanduanes.

Umaabot na sa 71,975 ang fully vaccinated sa A1 priority group o mga health workers; 29,313 sa A2 o mga senior citizens; 14,623 sa A3 o individuals with comorbodities; 3,859 sa A4 o uniformed personnel kabilang na ang media; 219 sa A5 o indigent population at 623 sa B1, B6, at C o other priorities.

Tuloy tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga lokalidad para sa layuning makuha ang herd immunity o mabakunahan na ang 70% ng target population at mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *