Mga Bicolano pinaalalahanan re: pahayag ng US-CDC na airborne ang coronavirus

BNFM BICOL—Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano hinggil sa naging pahayag ng US Center for Disease Control (CDC) and Prevention kaugnay sa pagiging airborne ng coronavirus.

Ayon kay Dr. Lulu Santiago-Ramos, Emerging and Reemerging Infectious Diseases coordinator ng Center for Health Development-DOH Bicol, ang maayos na bentilasyon at pagsusuot ng face mask ang pangunahing dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

Anya, habang nasa poorly ventilated environment, maaaring sumama ang virus sa hangin at ma-expose ang lahat ng mga nasa iisang silid.

Dahil dito ay pinaalalahanan nito ang mga Bicolano na palaging magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay at lumayo sa mga lugar na walang maayos na bentilasyon.

Muli rin nitong binigyang-diin ang pag obserba ng physical distancing at pagsunod sa Minimum Public Health Standards upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *