Mga buntis kabilang sa prayoridad na mabigyan ng agarang atensyon sa Naga City General Hospital

NAGA CITY –Kabilang ang mga buntis na ina sa mahigit 300 pasyenteng inaasikaso sa Naga City General Hospital araw-araw batay sa inilabas na datus ng LGU-Naga sa pagsisimula pa lang ng operasyon nito ngayong Enero.

Bukod sa mga libreng gamot, ang mga buntis ay libreng natitingnan ng assigned nurse o doktor sa naturang ospital para matiyak na nasa maganda ang kondisyon nito lalo na ng sanggol na nasa sinapupunan niya.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na halos araw-araw ay nasa ospital si City Councilor Sonny Rañola, doctor at Committee Chair on Health sa konseho sa layuning personal na makita ang mga pasyente, kung papano ang mga ito inaasikaso ng mga medical personnel ng ospital.

Sa pahayag sa media ng konsehal sinabi niyang walang dapat na ipag-alala ang mga nanay na nagpapa-check up dahil agad silang aasikasuhin bukod sa mga iba pang mga may sakit tulad ng kailangan i-dialysis, sector ng senior citizens at mga PWDs o persons with disability.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *